Paggamit ng Hot Bitcoin Wallet
Paggamit ng Hot Bitcoin Wallet

Paggamit ng Hot Bitcoin Wallet

Maraming mapagpipiliang bitcoin wallets na pwedeng i-download sa smart phone o personal computer. Ilan rito ay parehas na may mobile at desktop na version. Itong kaunting nakalista ay wallets para sa Bitcoin lamang. Bahala ka nang sumubok, pag-aralan at maghanap pa ng iba.

  • Blockstream Green
  • Blue Wallet
  • Electrum
  • Mycelium
  • Simple Bitcoin Wallet

Madali lang mag-umpisa:

Paggawa ng bitcoin wallet gamit ang Mobile o Desktop app

Lumikha tayo ng 3 karakter na makikipagtransaksyon sa isa’t isa: Sina Bukoy, Totoy at Caloy. Halimbawa, si Bukoy ay magpapasa ng bitcoin sa kaibigan nyang si Caloy, na isang freelance graphic artist.

Sa wallet ay may Send at Receive na pagpipilian. Kapag pinili ang Send, ay may 2 paraan para magpasa ng bitcoin. Pag-scan ng QR code, o paglagay ng bitcoin address.

Pagbayad o pasa (Send) ng Bitcoin

Sa wallet naman ni Caloy, pipiliin nya ang Receive. At dun, pwede nya ipakita ang QR Code, o kaya naman ang Bitcoin address na dapat makopya ni Bukoy. Kadalasang may Copy button na rin sa tabi ng address para isang pindutan lang. Nakakatulong iyon kung naglilipat ka ng Bitcoin sa iba’t iba mong wallets.

Pagtanggap (Receive) ng Bitcoin

Si Totoy naman ay nasa ibang bansa, pero may pinagawa rin kay Caloy, at magbabayad din ng Bitcoin. Sa sitwasyong ito, na magkalayo ang magtatransaksyon, maaaring magpalit sila ng pribadong mensahe sa isa’t isa. Kokopyahin ni Caloy ang kanyang address na tatanggap, at ibibigay kay Totoy. Si Totoy naman ay kokopyahin ito at ididikit sa nararapat na blangko sa wallet. Pwede rin silang mag-video call saglit gamit ang computer, at ipapakita ni Caloy ang QR code ng address nya sa camera, para i-scan ng smartphone ni Totoy.

Hanggang dito nalang muna. Para basahin na ang tungkol sa hardware wallet, puntahan ang Kabanata 4.


Kung anuman, kitakits pa rin sa ika-21

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *