Paggamit ng hardware wallet
Paggamit ng hardware wallet

Paggamit ng hardware wallet

Ang mga hardware wallet ay may simpleng interface lamang. Kailangan mo i-set-up ito sa umpisa na nakakonekta sa iyong computer. Merong iba na pwedeng sa smart phone ikonekta. May mga magpapa-install muna ng firmware. Yung iba naman ay hindi na kelangan at pupunta na sa paggawa ng bagong wallet.

Ang mga ito ay halimbawa ng hardware wallets. Bahala ka nang humusga kung ano ang nararapat mong bilhin.

  • Blockstream Jade
  • BitBox
  • Coldcard
  • Foundation Passport
  • Trezor

Siguraduhin din na hindi ka gagamit ng peke o pinakialamang (tampered) device. Ang elementaryang paggamit ay pinapakita sa susunod na ilustrasyon:

Pagkakaroon at pag-umpisang gamit ng hardware wallet

Inirerekomenda na huwag gumamit ng electronic na kopya ng mnemonic code o recovery seed. Sa mundo natin na laging online, hindi na bago ang presensya ng hackers na gustong magnakaw.

Ang pag Send at Receive ng Bitcoin ay parehas lang ang konsepto. Pero mas mabagal ang proseso dahil kailangang may wallet kang gamit sa kompyuter o mobile device na syang intermedyaryo, at ang hardware wallet ang may huling kumpirmasyon sa aksyon. At tandaan na ang hardware wallet ang may private key, kaya ito lang ang makakapirma ng transaksyon na Send.

Matapos ang set up, pwedeng hindi mo na ikonekta sa kompyuter ang hardware wallet kung tanggap ka lang naman ng tanggap ng bitcoin. Sa totoo lang, may mga paraan din na hindi nakakonekta ang hardware wallet sa kompyuter, kahit sa pag set up pa lamang. Pero sa susunod na natin ito pag-uusapan.

Kailangan ikonekta sa intermedyaryong wallet sa kompyuter o smart phone ang iyong hardware wallet. Sa ilustrasyon kanina, ipagpalagay na ang pag set up ng wallet ay gamit na ang intermedyaryong desktop wallet.

Para makatanggap ng Bitcoin:

Pagtanggap ng Bitcoin sa iyong hardware wallet

Gaya ng nabanggit, pwede ka makatanggap ng Bitcoin nang hindi naka konekta ang iyong hardware wallet. Pero sa umpisa kailangan mong mailagay ang keystore, na naglalaman ng Extended Public Key (xpub). Ang xpub ay kayang gumawa ng mga receive address, pero walang kakayahan pumirma ng transaksyon (para sa Send). Mapag-uusapan natin ito sa bandang huli ng kabanata.

Pag-import ng keystore para makatanggap ng bitcoin nang hindi na konektado ang hardware wallet

At mula dyan, pwede kang pindot nalang ng pindot ng Receive, nang hindi na kelangan ikonekta ang hardware wallet.

Ngayon, kung ikaw ay magpapadala na ng Bitcoin, kelangan gamitin uli ang hardware wallet. Sa ilustrasyong susunod, ay ikokoneta ang nabanggit sa kompyuter.

Pagbayad o pasa (Send) ng Bitcoin gamit ang hardware wallet.

Basta tandaan na nasa hardware mo ang private key, kaya ito lamang ang makakapirma ng transaksyon.


Kitakits sa ika-10

Salamat sa mga larawang ito na pinagsama:

  • Photo by Engin Akyurt: https://www.pexels.com/photo/person-covering-face-with-a-white-mask-with-silence-gesture-6605437/
  • Gareth Halfacree from Bradford, UK, CC BY-SA 2.0 https://creativecommons.org/licenses/by-sa/2.0, via Wikimedia Commons https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Coinkite_Coldcard_Hardware_Wallet_(30029559777).png

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *