Marami akong naging inspirasyon sa pagsulat ng aklat na ito. At makikita mo ang mga iyon kapag dinaanan ang Sanggunian. Maraming salamat sa mga taong nagpapakalat ng kaalaman, lalo na ukol sa Bitcoin. At salamat sa iyo, kung binasa mo itong aklat na ito kahit bahagya lamang.
Natapos man ang pagsulat nito, pero hindi natatapos ang pag-aaral ko sa Bitcoin. Naniniwala ako na ang teknolohiyang ito ay isang pambihirang tagumpay ng ating sibilisasyon. At nasa kamay natin kung pangangalagaan ba ito, pababayaan o sisirain.
