Standard o Bare Multi signatures
Standard o Bare Multi signatures

Standard o Bare Multi signatures

Ang probisyon para sa multi signature ay nag-umpisa sa paglabas ng BIP-0011. Ang standard na multi signature ay lantarang script na magiging komplikado o mahabang UTXO. Isasaad ang mga public keys sa output script at ang kondisyon na dapat masunod gamit operator na CHECKMULTISIG. At ang gagastos nito ay dapat mag input ng tamang bilang ng signatures. Halimbawa, kapag 2-of-3 multi signature, dapat 2 sa mga signatures na mabeberipika ng 2 sa 3 public keys ang ibigay. Pero hanggang 3 public keys lamang ang limitasyon ng ganitong scheme.

Ang pagbabayad sa bare multi signature na kondisyon ay nagreresulta sa maraming UTXO na malalaki, at medyo mabigat para sa nagpapadala at sa multi signature na users para gumasta

Ang problema sa bare multi signature ay ang pakikipagtransaksyon. Ang mahabang multi signature script ay walang “address” na katumbas. Kaya may iba na tinatawag na pay-to-multisignature (P2MS) ang mga ganitong script na pagpapasahan ng Bitcoin. Kung may balak man magpadala ng Bitcoin dito, dapat ay gumamit ng wallet software na may kakayahang gumawa ng custom scripts. At dahil mas mabigat ang script, mas mahal ang transaction fee ng magbabayad. Isa pang isyu ay maiipon ang mga custom scripts na iyon bilang malalaking UTXO. Nakakapuno ito ng mempool hanggat hindi ginagasta.

Sa susunod na post ay pag-uusapan ang P2SH Multi signature.


Kitakits sa ika-21

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *