Pag-usapan natin ang multi signatures o multisig para matunton ang kalamangan ng Taproot sa ibang iskema.
Ang konsepto ng multi signature ay hango sa pangangailangan ng higit sa isang awtorisasyon para magalaw ang pera, o anumang importanteng bagay. Halimbawa, ang pangangailangan ng presensya o lagda ng mga may-ari ng joint account. O kaya, isang kandado na nangangailangan ng maraming susi para mabuksan. Kagaya ng sa monasteryo sa Mt. Athos, na may mga pinapangalagaang Byzantine relics. Ang mga susi ay hiwa-hiwalay na hawak ng iba-ibang pinagkakatiwalaang monghe.
Sa Bitcoin, naimungkahi ang paggamit ng multi signature nung 2011. Sa mga susunod na posts, pag-uusapan natin isa-isa.
- Standard o Bare Multi signature – ang unang paraang inimplementa
- P2SH Multi signature
- SegWit Multisig
- MuSig (1 at 2) – na naipatupad dahil sa Taproot upgrade
Kung gusto mo nang pag-aralan, basahin ang Kabanata 8.
Kitakits sa ika-10
Salamat sa mga litratong pinaghalo bilang pambungad na imahe:
- Photo by Matheus Lara from Pexels: https://www.pexels.com/photo/businesswoman-signing-important-documents-30268250/
- Photo by Markus Spiske: https://www.pexels.com/photo/green-and-white-line-illustration-225769/
