P2SH Multi signature

Nabanggit sa Kabanata 4 kung bakit nagkaroon ng pay-to-script hash (P2SH) na mga wallet. Ito ay para ang komplikasyon at fees ay pasanin ng nagmamay-ari ng Bitcoin address na may probisyong multi signature o mas komplikado pang script.

Sa pagpapatupad ng P2SH, hanggang 15 public keys ang pwede gawan ng multi signature script, nang hindi na kelangan mapuno ang mempool ng malalaking UTXO. Subalit, isisiwalat rin ang multi signature na script, kasama ang mga public keys na kalahok, kapag gagastusin na ang Bitcoin.

Ang pagbabayad sa P2SH na address ay mas magaan kesa sa P2MS. Pero mabigat sa may-ari pag gagastusin na.

Ang operator na CHECKMULTISIG ay kayang tumanggap ng 20 public keys. Kaso sa programming language ng Bitcoin (tinatawag na Script), may limitasyon na 520 bytes kada push operation. Kaya, hindi masusulit ang 20 public keys. 15 public keys lang ang sagad.

Dahil ang multi signature ay mainam na seguridad para sa mga kayang magpatupad nito, patuloy ang naging pagtatrabaho ng mga developers para sa pagpapabuti ng konsepto at implementasyon. Sa susunod na soft fork, nagawan ng paraan ang limitasyong nabanggit.


Kitakits sa ika-10.

Salamat sa litratong ginamit at minodipika para sa post na ito:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *