Ang dami ng bagong Bitcoin na namimina ay may hangganan. Kulang-kulang dalawampu’t isang (21) milyong Bitcoin lamang ang pwedeng mamina bilang insentibo. Sa ngayon, malaking porsyento ng 21 milyon ay namina na. Ito ay dahil dinisenyo ang programa kung saan ang dami ng bagong Bitcoin na binubuo ay nangangalahati kada 210,000 blocks (halos 4 na taon). Nagsimula ito sa 50 Bitcoin na papremyo kada block. Tapos nangalahati sa 25, tapos 12.5, atbp. At itinakda na animnapu’t apat (64) na beses lamang pwede kalahatiin ang pag-isyu ng bagong Bitcoin. Subalit hanggang ika-32 pangangalahati lang aabot na may premyong bagong Bitcoin dahil sa limitasyon ng pinakamaliit na unit: Satoshi (1/100,000,000 ng 1 Bitcoin).
Kaya balang araw (sa taong 2140), titigil na ang pagbuo ng bagong bitcoin. Lilipas rin ang ‘pagmimina’. Sa panahong iyon, ang insentibo o premyo ng mga sumasali sa proof-of-work ay mula na lamang sa transaction fees.
Kitakits sa ika-21.
Salamat sa inyong tulong,sigurado ako na maraming tatangkilik at matutuwang mga Filipino na may interes na malaman at matutunan ang Bitcoin lalo na at sa sariling Wika….
Salamat sa pagbisita! Kung may maibabahagi kang kaalaman at mga koreksyon, mag comment ka lang.