Electronic na salapi – paano ba dapat ito?
Electronic na salapi – paano ba dapat ito?

Electronic na salapi – paano ba dapat ito?

Walang permanenteng anyo ang Bitcoin bilang electronic na salapi. Wala rin itong nakasaad na mga denominasyon na may kanya-kanyang itsura. Wala itong pisikal na anyo. Yung nakikita nating gintong barya na may simbolo ng bitcoin? Metapora lang yun.

Ang numerong nagsasaad ng bilang o halaga ng bitcoin ang tanging representasyon nito. At ang kaakibat na kasaysayan ng numerong nakasaad sa iyong digital na pitaka, ang tunay na anyo ng iyong bitcoin.

Subukan nating intindihin sa kalalagay lamang na ikalawang kabanata ng aklat. Mahirap tanggapin ang konsepto ng purong electronic, para sa mga taong pinanganak bago ang taong 2000. Kaya kasama sa titignan natin ay ang kasaysayan ng salapi.


Kung gusto mong magdagdag, magbago o magbigay ng paglilinaw sa mga nabanggit na konsepto sa Kabanata 2, mag-comment ka lang sa baba. Magtulungan tayo sa pagbuo ng pinaka-komprehensibong pagtuturo sa bitcoin, sa wikang Filipino.

Kitakits sa ika-10.

(Photo by Ivan Babydov from Pexels: https://www.pexels.com/photo/bitcoin-coin-on-background-of-business-charts-7788006/)

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *