Panimulang Pagsiyasat sa Tipikal na Transaksyon
Panimulang Pagsiyasat sa Tipikal na Transaksyon

Panimulang Pagsiyasat sa Tipikal na Transaksyon

Nabanggit sa halimbawa sa Kabanata 4 ang itsura ng user interface ng wallet app kapag si Bukoy ay nagpasa kay Caloy.

Pagpadala (Send) ni Bukoy at pagtanggap (Receive) ni Caloy

Sa wallet ni Bukoy, may makikita na transaction fee. Makikita rin nya ang address ng wallet ni Caloy kapag ini-scan ito (na pwede rin nyang i-copy-paste). Pag natanggap na ni Caloy ang Bitcoin, maaaring makita nya ang pinanggalingang address. Idetalye pa natin ang nagaganap sa ganitong transaksyon.

Manghiram uli tayo ng ilustrasyon sa block explorer para sa 2 halimbawang blocks 170 at 777777. Ang una ay ang makasaysayang pinakaunang pagpapasahan ng Bitcoin sa pagitan ng 2 tao, na nasa block 170. Susunod naman ay isa sa maraming transaksyong nasa loob ng 777777.

Daloy ng pinakaunang pagpapasahan ng Bitcoin, naganap sa Block 170, mula sa https://blockstream.info (kinuha noong Enero 22, 2024)

Makikita na may input at output parehas. Sa kaso ng block 170, walang address na pinapakita, dahil P2PK ang output. Nakandado sa public key mismo ang Bitcoin. Ang unang output ay #0, na nagsasaad ng pagkandado ng 10 Bitcoin sa public key ng receiver. Ang ikalawa ay #1 na nagkandado ng 40 Bitcoin sa public key ng sender (sukli). Subalit may mga wallet na gagawan pa rin ng interpretasyon na address ang mga iyan. Susundin lang ang nabanggit sa Kabanata 4 na encoding para sa legacy address. Pero mas tamang hindi binigyan ng interpretasyong address sa blockstream.info.

Daloy ng isang transaction sa loob ng block 777777 mula sa https://blockstream.info (kinuha noong Enero 22, 2024)

Lipat naman ng tingin sa isang napiling transaksyon sa block 777777. Makikita na mas maraming nasasaad sa input, mas komplikado, na pag-uusapan natin sa susunod. Sa output naman, dalawang klase ng pagkandado ng Bitcoin ang naganap. Sa receiver, ang Bitcoin ay nakandado sa kanyang public key hash, isang P2PKH, kaya ang address ay legacy ang anyo (nag-uumpisa sa 1). Ang sukli naman ng sender ay nakandado sa kanyang witness script hash, isang P2WSH kaya mas makabago ang anyo (bc1).

Sa mga ilustrasyon ng wallet at ng block explorer, matutukoy ang pinanggalingan at pinagpasahang mga address. Syempre kita mo rin kung magkano ang binigay at natanggap. Makikita rin kung saang block ito nakasama at kailan.

Subalit alam mo ba na sa loob ng code, ay hindi ganito ang mababasa mo?


Kitakits sa ika-21

Salamat sa mga litratong minodipika/pinagsama:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *