Output ng Coinbase Transaction
Output ng Coinbase Transaction

Output ng Coinbase Transaction

Lipat na tayo sa output ng coinbase transaction. Sa Blockstream na ilustrasyon pa rin tayo tumingin. Dito ay nagsasaad ng dami ng bagong Bitcoin na binuo, kasama ang transaction fees. Isinasaad rin kung saang Bitcoin address ng miner tatanggapin ang kabuuang pabuya. Ang output na ito ay isa nang Unspent Transaction Output (UTXO).

Daloy ng coinbase transaction sa Block 170, na pinapakita sa https://blockstream.info (kinuha noong Enero 22, 2024)

Magandang isang sinauna at bagong block ang tinitignan natin. Makikita na sa Block 170, ang pabuyang 50 Bitcoin ay nakandado sa Public Key (P2PK) mismo, walang address. May mga ganitong istilo noon bago pa ang P2PKH. Sa block 777777, makikita na ang pabuyang 6.43403232 Bitcoin ay nakandado naman sa isang Script Hash (P2SH) at pinakita rin ang katumbas na address. Pero unang output (#0) lang iyon. May dalawa pang output (#1 & #2) na OP_RETURN at walang Bitcoin na laman. Ang dalawang ito ay nasa klase ng output na hindi magagasta: data recording output.

Daloy ng coinbase transaction sa Block 777777, na pinapakita sa https://blockstream.info (kinuha noong Enero 22, 2024)

Para saan ito? Ang block chain kasi ay maaaring lagyan ng arbitraryong data rin sa transaction output, hindi lang sa coinbase. Dahil sa seguridad ng Bitcoin network, ang arbitraryong data ay maaaring gamiting ebidensya o kontrata na hindi madadaya. Ang OP_RETURN ay naging kompromiso ng magkabilang kampo: (a) ang mga gustong gamitin ang Bitcoin block chain para sa ibang bagay tulad ng mga pruweba atbp., at (b) ang mga ayaw ng ganun, na ang block chain ay para sa mga transaksyon lang ng pera (Bitcoin). Bago magkaroon ng data recording output, ang ganitong klaseng output ay UTXO rin, na itatago sa UTXO set, pero mananatili lang doon dahil hindi naman magagasta. Sa OP_RETURN, ang output ay mapapatunayang hindi nagagasta. Dahil dito, hindi na kailangan pang isama sa UTXO set. Kahit papano, matitipid ang memorya para sa UTXO set. Yun nga lang, nakakadagdag pa rin ng storage space sa block chain.


Kitakits sa ika-21

Salamat sa litratong ito na minodipika: LiveWireInnovation, CC BY-SA 3.0 https://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0, via Wikimedia Commons

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *