Konsepto ng Bitcoin Mining Difficulty: Halimbawa sa simpleng statistics
Konsepto ng Bitcoin Mining Difficulty: Halimbawa sa simpleng statistics

Konsepto ng Bitcoin Mining Difficulty: Halimbawa sa simpleng statistics

Para maintindihan bakit ang target ay mas mahirap hanapin kapag mas maliit, tignan natin ang halimbawa ng paglalaro ng 2 dice. Ang bawat resultang lalabas kapag nag-itsa tayo ng dice ay may probability. Halimbawa, ang laro natin ay mag-itsa ng 2 dice para makamit ang target na sum ng mga tuldok. May 36 na kombinasyon ng tuldok ang posible:

Dice 1 faceDice 2 faceSumDice 1 faceDice 2 faceSum
112415
123426
134437
145448
156459
1674610
213516
224527
235538
246549
2575510
2685611
314617
325628
336639
3476410
3586511
3696612

Kapag ang target ay sum na 12 pababa, aba, lagi nating makukuha ang target. Dahil 12 ang pinakamataas na sum na posible: tig 6 na tuldok bawat dice. Lahat ng iba pa ay mas maliit na sa 12. Halimbawa naman, liitan natin ang target: 10 pababa. May 3 kombinasyon na hindi maabot ang target na ito. Pero madali pa rin makamit ang target dahil 33 na kombinasyon, o 11/12 ang probabilidad na makukuha ito. Liitan pa natin sa 5 pababa ang target. Ayan, mas mahirap na itong maabot. Dahil 10 kombinasyon lang, mas maliit sa kalahati na ang probabilidad na makuha iyon: 5/18.


Kitakits sa ika-10

Salamat sa pambungad na imahe na minodipikang bahagya: Photo by Jonathan Petersson: https://www.pexels.com/photo/closeup-photo-of-two-red-dices-showing-4-and-5-965875/

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *