Mga layers sa Internet Protocol Suite
Mga layers sa Internet Protocol Suite

Mga layers sa Internet Protocol Suite

Ang Internet Protocol Suite ay balangkas para sa pag-organisa ng communication protocols na gamit sa Internet. Naisasaad ito sa Request for Comments (RFC) 1122 ng Network Working Group ng Internet Engineering Task Force (IETF) na pinamagatang: Requirements for Internet Hosts – Communication Layers. Karugtong din nito ang RFC 1123 na Requirements for Internet Hosts – Application and Support.

Ang host, o computer na nakakonekta sa Internet na syang kaharap ng user, ay dapat sumunod sa magkakapatong na protocols ng bawat layer. Ang paglipat ng data mula sa isang host, patungo sa isa pang host ay: dadaan mula sa pinakaibabaw na layer, pababa hanggang marating at madaanan ang mga pisikal na koneksyon, tapos pataas naman ng layers hanggang makarating sa target na host.

Pataas, Pababa, ng anu-anong layers? Ang batayan mula sa RFC1122 ay 4 na layers:

Layering (TCP/IP)
  • Application layer – ang pinakataas na layer kung saan may interaksyon ang isang user (tao) na gumagamit ng host (kompyuter). Sa mga protocols na ito, mararamdaman ng user na nagreresponde lang ang application sa mga aksyon o proseso na gusto nyang mangyari. Maaaring narinig mo na ang mga protocols dito. Kasama dito ay ang File Transfer Protocol (FTP), Simple Mail Transfer Protocol (SMTP) at Hypertext Transfer Protocol (HTTP). At kasama rin mga sumusuportang protocols tulad ng Domain Name System (DNS).
  • Transport layer – Ito ang layer na nagbibigay ng dulo sa dulong serbisyo sa mga applications. Pwedeng narinig mo na rin ang pinakaginagamit na protocol dito: Transmission Control Protocol (TCP) na syang gumagawa ng maasahang pagpasa ng data na babasahin ng protocol sa application layer. Ang mga application ay merong port number na nakadepende sa serbisyong hatid.
  • Internet layerInternet Protocol (IP) ang gamit sa layer na ito para sa pagdala ng data mula sa isang host papunta sa isa pa, na kung kailangan itawid pa ng ibang network. Dito nangyayari ang routing kung saan hinahanap ang IP address ng patutunguhang host o ng lokal na network kung saan kasapi ito. Kaya malaking gamit dito ang IP addressing system. Maghahanap ng susunod na tatalunang host o gateway (router) kapag hindi pa agad matutunton ang pakay na host.
  • Link layer – ito ang layer ng data link sa lokal na network, bago pa lumabas sa router ang data. Abstraksyon o virtual na layer din ito, hindi yung mismong kable at iba pang pisikal na koneksyon ng network. Para ang host ay makapagkomunika sa loob ng kanyang lokal na network, kailangan sumunod sya sa protocol sa link layer. Address Resolution Protocol (ARP) ay isa sa gamit dito.

Ay, nahuli ang post na ito! Kitakits sa ika-21.

Salamat sa rawpixel.com para sa imaheng pambungad na gamit dito.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *