Bitcoin: Sa Madaling Sabi
Bitcoin: Sa Madaling Sabi

Bitcoin: Sa Madaling Sabi

Ang Bitcoin ay isang teknolohiya ng pera na purong electronic, gumagamit ng cryptography, bukas para sa lahat, at tumatakbong decentralized na peer-to-peer nang walang pinagkakatiwalaang awtoridad. Ito ay nakakamit sa pamamagitan ng pagpapanatili ng pampublikong kasaysayan ng mga transaksyon sa anyo ng blockchain, gamit ang proof-of-work, na may kalakip na insentibo sa mga gustong sumali.

Sa madaling sabi, hindi sya ganun ka simple.

Ang Bitcoin ay imbensyon ni (o nina) Satoshi Nakamoto – na syang misteryosong tao (o grupo) na hindi nagpakilala. Inanunsyo ang Bitcoin sa pamamagitan ng pagbahagi ng Bitcoin Whitepaper: “Bitcoin A Peer-to-Peer Electronic Cash System” sa isang mailing list ng mga cryptographers noong Oktubre 31, 2008. Si Satoshi Nakamoto ay nagtago na sa publiko matapos ang halos 3 taon. At ang pagkakakilanlan nya ay hindi na mahalaga. Mula nang ito ay ipinaalam sa mundo, pinagaganda at pinagtitibay ang Bitcoin ng sinumang gustong sumali rito.

Himayin natin ang mga nabanggit na paglalarawan ng Bitcoin, na napapaloob sa Kabanata 1 ng aklat na binubuo sa website na ito. Sa mga susunod na kabanata, isa-isa natin silang palalawakin pa.

Gusto mo bang tumulong? Kung ikaw ay may kaalaman na sa bitcoin, maaari kang mag comment sa blog na ito twing may pinag-uusapang topic. Ako’y natututo pa lang din. Tara’t gawin nating pinakamahusay na reperensyang Filipino ang website na ito, ukol sa bitcoin!


May mahalagang mga numero sa operasyon ng bitcoin na gusto kong ireperensya rito: 10 at 21. May katampatan/average na 10 minuto, kung kailan may nabubuong bagong block sa network. At ang kabuuang bitcoin (na salapi) sa paglipas ng panahon ay halos 21 milyon lamang. Muli, maiintindihan mo ito habang nabubuo ang aklat dito sa website.

Ang dalawang numero na ito, ang napili kong mga araw sa twing may bagong post sa blog na ito. Ngayon ay ika-10 ng Disyembre. Kitakits tayo uli sa ika-21. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *