Stratum V1
Stratum V1

Stratum V1

Sinolusyonan ng Stratum ang mga isyu sa getwork protocol sa paraang mas simple at nagreresulta sa mas mataas na performance ng mga mining pool, kumpara sa getblocktemplate. Kaya ito ang naging pamantayan ng mga pooled mining protocols.

Stratum V2 na ang gamit ngayon ng mga pool miners. Pero ilarawan muna natin ang V1 bago intindihin ang V2.

Ang unang naresolba ng Stratum ay ang inefficiency ng paggamit ng layer ng HTTP sa pagpapasahan ng impormasyon. Sa Stratum, ang layer ng TCP ang diretsang ginagamit. Ang mining client ay magbubukas ng TCP socket na kombinasyon ng IP address at port nito, para kumonekta sa mining pool server sa tiyak na IP address at port naman nito. Ang pares ng TCP sockets na iyon ang end-to-end o direktang TCP connection sa pagitan ng miner at mining pool server. At nanatili itong bukas hanggat hindi bumibitaw ang miner.

Ang extra nonce sa coinbase transaction ay maaaring baguhin ng miner sa Stratum. Nakadulot ito ng pagpapabilis dahil kapag naubos na ang pagsubok ng nonce sa block header, maaaring dumiretso na sa pagbabago ng extra nonce ang miner sa halip na humingi uli ng getwork request para sa susunod na tsansang magmina.

Bumilis nga ang daloy ng impormasyon sa Stratum V1, subalit may mga aspeto ito na hindi kanais-nais paglaon. Halimbawa, ang JSON-RPC na mga mensahe ay hindi encrypted. Ito ay napatunayan ding may kahinaan sa mga pag-atake ng mga hackers tulad ng hashrate stealing at man-in-the-middle attacks.

Ang mga miners ay limitado pa rin ang kakayahan, kaya’t maaaring magdulot ng pagka centralized ng kapangyarihan sa mga malalaking mining pools. Ito ay inilayong maiwasan sa Stratum V2.


Kitakits sa ika-10

Salamat sa Grok para sa imaheng gamit.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *