Matapos ang ilang taon, bandang 2019, ay iminungkahi ang Stratum V2 (SV2). Maraming pagpapabuti ang nalalaman nito, na syempre, ay naglalayong maging mas efficient at maging mas mataas ang seguridad ng operasyon ng mining. Layunin din ng Stratum V2 na maging standard at tumpak ang mga depinisyon, di gaya ng nangyari sa SV1.
Tinanggal na ang JSON sa Stratum V2. Gumagamit na ito ng binary protocol na malaki talaga ang itinipid sa data.
Para magkaroon ng decentralization, merong karagdagang mga papel at protocols sa operasyon ng mining.
3 protocols ang meron sa Stratum V2:
- Mining Protocol – ito ang direktang pumalit sa SV1, at pangunahing protocol na ginagamit sa lahat ng senaryo. Ito kasi ang nagpapagana ng distribusyon ng trabaho (jobs) para sa mga miners, pagpasa ng mga ito ng resulta ng proof-of-work sa pool service, at ang distribusyon din ng mga pabuya. Ito ang protocol sa pagitan ng mining device at pool service, mining device at mining proxy, 2 proxies, o mining proxy at pool service.
- Job Declaration Protocol – ito ay gamit ng miner (o mining farm) para ideklara ang block template nito sa mining pool. Ang komunikasyon ay sa pagitan ng 2 job declarators: sa miner side (job declarator client) at pool side (job declarator server). Kapag ang mining pool ay may kasamang job declarator server, nakapasa na dun ang distribusyon ng jobs. Kinukwenta nalang ng mining pool ang shares at distribusyon ng mga rewards.
- Template Distribution Protocol – ito naman ang protocol para sa pagkuha ng block template na gagamitin sa pagmina ng susunod na block. Gamit ito sa komunikasyon ng template provider at job declarator, o kaya ng template provider diretso sa pool service. Ang Template Provider naman ay kumukuha ng mga transaksyon mula sa isang Bitcoin full node.
Ang mga papel o roles naman sa Stratum V2 ay:
- Mining device – ito ang device na nagmimina mismo, gaya ng isang ASIC.
- Pool service – Ito ang orihinal na gumagawa ng jobs, nagpapatunay at kwenta ng shares, at naniniguradong pinapakalat ang bagong block na matagumpay na namina. Gaya ng nabanggit kanina, kapag may job declarator server, hindi na gagawin ng pool service ang jobs.
- Mining proxy (opsyonal) – Ito ay server sa pagitan ng mining devices at pool service na nagsasama-sama ng koneksyon ng mga magkakagrupong miners, para mas efficient ang komunikasyon sa pool service. Kapag may job declarator, konektado dito ang mining proxy.
- Job declarator (opsyonal) – May 2 klase: job declarator client at job declarator server. Ang job declarator client ang tumatanggap ng pasadyang block templates, na idedeklara sa job declarator server. Magkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng job declarator server at client, kung tanggap nga ng pool service ang sariling block template ng miners. Aalamin din ng job declarator server kung ano ang mga transaksyon na wala ito kung sakaling gamit ng job declarator client ang ibang block template.
- Template provider – ito ang gumagawa ng sariling block template, kaya madalas ay Bitcoin Core full node ito. Ipapasa nito sa job declarator ang block template. Para sa mga mas centralized na sistema, kagaya sa SV1, ang template provider ay magpapasa ng block template sa pool service mismo.
Hindi nagdedemanda ang Stratum V2 na mag-upgrade agad lahat ng mga miners sa firmware na ito. Kaya may mga pagsasaayos na nagkakaroon ng translation sa pagitan ng SV1 at SV2. Pag-usapan natin sa susunod. O kaya, basahin mo na agad sa kabanata 7.
Kitakits sa ika-21
Salamat sa Grok para sa pambungad na imahe.
