Kinakailangang mapatunayan na tinrabaho ang pagkakabuo ng bawat block. Ito ay para ang mga malisyosong nodes na gustong modipikahin ang nakaraang blocks (para makadaya) ay kailangan ng mas malaking enerhiya kumpara sa mga tapat na nodes na gusto lang magdagdag ng bagong block.
Ang pagbuo ng block ay mag-uumpisa sa pagpili ng mga transaksyon mula sa memory pool ng miner/grupo ng miner/mining pool. Kasama na dun ang paglinya ng mga transaksyon para handa sa pagkuha ng Merkle tree. Sunod ay ang pagbuo ng coinbase transaction. Sunod ay ang pagbuo ng block header, kung saan kasama ang previous block header hash at Merkle root ng mga transaksyon. Sa pagbuo ng block header gagamit ng karagdagang enerhiya ang mining node. Bakit? Sagutin natin sa susunod na post. O di kaya, basahin na ang Kabanata 7.

Kitakits sa ika-21.
Salamat sa: Photo by ABiTz: https://www.pexels.com/photo/storage-of-bricks-15500197/
