Nakaprograma na kada 2016 blocks ay itinatakda ang bagong target. Kada 2 linggo bale. Uulitin natin ang ilang beses nang nabanggit sa site na ito: ang bawat block ay nabubuo sa loob ng average na 10 minuto. Ito ang nakatakdang tagal upang matapos ang Proof-of-Work. Ang target ay mas madaling makamit kapag:
- Mas marami ang nagkokompetensya sa pagmimina
- Mas malakas ang mga processor ng mga kompyuter na gamit
Kabaliktaran naman ang epekto kapag taliwas sa mga nabanggit ang sitwasyon. Ang tawag sa pagtatakda ng target sa kada 2 linggo ay: difficulty adjustment.
Ang formula ng difficulty adjustment ay simple lang:

Imu-multiply ang ratio ng actual na oras na nakonsumo sa pagbuo ng 2015 blocks sa 20,160 minutes. Sa halip na 2016 na nakaraang blocks ang pinagkukumparahan, may mali sa orihinal na Bitcoin software, at nakaugalian na ang 2015 blocks.
Kapag mas maliit ang halaga ng target, ito ay mas mahirap makamit. Makikita na ang block header hash ay magreresulta sa 32 bytes na maraming 0 sa umpisa. Mas madaling makamit ang mas malaking numero, o mas konting 0 sa umpisa, na target.
Halimbawa, ikumpara ang mga block header hash mula sa iba-ibang taon:
| Block height | Taon | Block header hash (hexadecimal) |
| 200,000 | 2012 | 000000000000034a7dedef4a161fa058a2d67a173a90155f3a2fe6fc132e0ebf |
| 400,000 | 2016 | 000000000000000004ec466ce4732fe6f1ed1cddc2ed4b328fff5224276e3f6f |
| 600,000 | 2019 | 00000000000000000007316856900e76b4f7a9139cfbfba89842c8d196cd5f91 |
| 800,000 | 2023 | 00000000000000000002a7c4c1e48d76c5a37902165a270156b7a8d72728a054 |
Sa paglaki ng Bitcoin network, ang halaga ng block header hash ay lumiliit (o dumadami ang 0s sa umpisa) – indikasyon na lumiliit ang target, o tumataas ang difficulty.
Kitakits sa ika-21
Salamat sa minodipikang: Photo by foad shariyati: https://www.pexels.com/photo/close-up-of-gym-equipment-weight-stack-29084386/
