Mga klase ng Bitcoin network nodes
Mga klase ng Bitcoin network nodes

Mga klase ng Bitcoin network nodes

Mainam na ang mga lumalahok na nodes ay may kopya ng buong blockchain. Subalit hindi lahat ay may badyet para sa pagpapanatili ng lumalaking disk space. Sa Bitcoin White Paper palang, nakini-kinita na ang pangangailangan ng mga nodes na magaan lang ang gamit na memorya. Narito ang iba-ibang klase ng nodes sa Bitcoin network.

  • Full nodes – ito ay mga nodes na dina-download ang buong block at ibeberipika ito bago ipasa sa iba. Ang nailarawan nating initial block download kanina ay tumutukoy sa pagbuo ng isang full node. Ang full node noon ay kaya magawa lahat ng sangkap ng Bitcoin, gaya ng pagpapanatili ng blockchain, pagmimina at wallet. Subalit ngayon, hindi na madali na isang device lang para sa lahat. May pagkakaiba na ngayon sa full node:
    • Archival full node – ito ay full node na merong kopya ng blockchain, pero hindi na nagmimina.
    • Pruned node – ito ay full node sa isang kahulugan dahil nagbeberipika ito ng buong block bago ipasa sa iba. Pero, hindi ito nagpapanatili ng kopya ng buong blockchain, sa halip, puputulin ito sa isang punto, depende sa kapasidad ng computer (halimbawa, 2 GB). Tutal, ang block header naman ay may marka ng nakaraang block.
  • Simplified Payment Verification (SPV) client – tinatawag ding isang lightweight client, ay dina-download lang ang block headers, at kukuha lang ng mga transaksyon sa full nodes kapag kailangan. Ganito ang mga wallet apps, na mahalaga lamang ang partikular na transaksyon para sa may-ari.

Nagiging posible ang pruned node at SPV client dahil sa konsepto ng Merkle Tree na gamit para makuha ang hash na nagrerepresenta ng mga transaksyon sa loob ng isang block. Kaugnay rin sa Merkle Tree ang paggamit ng bloom filter ng mga SPV para magkaroon kahit papano ng privacy. Ipagpaliban natin para sa susunod na kabanata ang konseptong ito.


Kitakits sa ika-10.

Salamat sa Grok para sa pambungad na imahe, na minodipika ng bahagya.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *