Pag-aayos ng mga address (ng Bitcoin nodes)
Pag-aayos ng mga address (ng Bitcoin nodes)

Pag-aayos ng mga address (ng Bitcoin nodes)

Paano inaayos ang bultong (IP) address na natatanggap ng isang node? Ang protocol ay gumagamit ng stochastic address manager, kung saan random ang pagposisyon at pagpili ng mga kokonektahang IP address sa memorya ng kompyuter. Ang buong talaan ng address ay inilalagay sa peers.dat kada 5 minuto. Ang address manager na ito ay layunin ding maiwasang mapuno ng masasamang nodes.

Ang mga IP addresses ay inilalagay sa mga balde (buckets) na hanggang 64 ang kayang itago.

  • “new” – balde sa memorya na may mga address na hindi pa nakokonektahan
  • “tried” – balde sa memorya na may mga address na subok na ang koneksyon
Pag-aayos ng mga IP address ng peers sa Bitcoin network

Mayroong 1024 na baldeng new, kung saan twing namimili ang node, 64 na balde ang kukunin nang random, bago pa piliin ang baldeng paglalagyan o susubukang hanapan ng ibang node na kokonektahan. Samantala, may 256 tried na mga balde, kung saan twing namimili ang node, 8 balde ang kukunin nang random, bago pa piliin ang baldeng paglalagyan ng ibang node, o papanatilihan ng koneksyon. Ang isang new address ay maaaring mapabilang sa hanggang 8 balde, samantalang 1 beses lang pwede makita sa tried. Cryptographic hashing ang basehan ng pagpili ng balde.

Balik tayo sa feeler connection na nabanggit kanina. Ito ay gagamitin upang desisyunan ng node kung ang isang address ay ililipat mula sa new papuntang tried, o kaya ay tatanggalin na.

Ang mga addresses na may mga ganitong sitwasyon ay mamarkahang “terrible” at maaari nang tanggalin sa susunod na ma-engkwentro ito sa new na balde:

  • 30 araw nang nasa memorya at hindi makonektahan pag nataunan.
  • 3 beses nang kumonekta sa new node subalit palyado.
  • 10 palyadong koneksyon sa loob ng 7 araw
  • Ang timestamp ng address ay mas maaga ng 10 minuto o higit pa (ano iyon, time traveller?)

Pwedeng tanggalin sa tried na balde ang isang IP address kapag lagpas 4 na oras na ang huling matagumpay na koneksyon dito. Kapag naglilipat naman sa tried, hanggang 10 address collisions ang pwedeng pansamantalang itago, na ireresolba sa loob ng 40 minuto.

Base sa mga diskusyon tungkol sa pag-aayos ng mga address sa memorya, masasabing ang partial view ng isang Bitcoin network node ay cyclic.


Kitakits sa ika-10.

Salamat sa rawpixel para sa minodipikang litratong gamit na pambungad.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *